PAUNLARIN AT IBALIK ANG DATING SIGLA NG SBMA

hilda-online-logo

SA bahagi ng ating mga karagatan sa Pilipinas, ang Subic Bay sa Olongapo ay isa sa mga tourist attraction na nagkaroon din ng makasaysayang bahagi sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano.

Kung ating mamalasin ang naturang lugar tunay kang maaaliw sa malinis na karagatan na may bahaging puting buhanginan. Palibhasa’y malayo sa pusod ng lungsod na kung saan maraming sasakyan, mararamdaman mo ang sariwang hangin na malayo sa polusyon.

Kung ihahalintulad naman siya sa isang babae, siya ay ubod ng ganda, na animo’y mutya ng kagandahan, dahil sa kanyang linis at ayos at sigla.

Subalit, sa panahon ngayon, mula sa maganda at masigla parang nawala na ang kasikatan ng SBMA, bagkus, naging pangit na sa paningin.  Ang dating pasyalan ng mga turista, hindi na ngayon dinarayo. Kapansin-pansin ang kalungkutan noong nakaraang Pasko.

Sa panahon ng pagtatalaga sa mga taong karapat-dapat sa anumang posisyon sa pamahalaan isang masusing pagkukuro at pagtitimbang-timbang sa mga ipupwesto ang pagkaisipin.

Sa puntong ito nararapat na humanap ang pamahalaan ng taong may kayang maibalik ang SBMA sa dating sigla at nakaaaliw na pagmasdan.

Dapat bigyan ng buong atensyon, panahon at pagsisikap upang magawa ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), na may mga negosyo sa Pilipinas, maipakita ang ating talent, mahusay na kapabilidad na humawak ng malaking tungkulin na nagnanais na makatulong ng malaki sa pamahalaan na hindi naman maisasakripisyo ang kalidad ng trabaho.

Mahuhusay na programa, tuntunin, regulasyon, katanggap-tanggap na pamamaraan ang dapat gawin ng SBMA. Makahikayat pa ng mga negosyante at makagawa pa ng maraming trabaho upang maitugma sa programa ng gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply