Pawnshop owners sa GenSan, pinulong para sa seguridad

acetylene

PINULONG ng mga awtoridad ang mga pawnshop owners at managers sa lungsod ng General Santos dahil sa sunod-sunod na kaso ng pagnanakaw ng mga ninihinalang miyembro ng ‘acetylene gang’.

Ayon kay Police Supt. Rolly Octavio, Deputy City Director for administration, kanilang ipinatawag ang pawnshop owners sa layunin na maimpormahan ang mga may-ari at managers na paigtingin pa nila ang kanilang pagbabantay sa kanilang mga pawnshop matapos na natunugan ang planong pagpasok ng mga kawatan sa apat na magkatabing pawnshop sa Cagampang street.

Ayon kay Octavio, hindi pa nila makumpirma kung sa apat na pawnshop na magkatabi ang planong pasukin dahil natunugan umano ng mga kawatan kaya sila nagtakbuhan. An’ya, di pa matukoy kung nakalabas na ang mga kawatan sa mga imburnal na kanilang pinagtaguan at dinaanan.

Matatandaan na unang araw ng bagong taon mahigit isang P1milyon ang natangay ng mga kawatan sa loob ng Mercedez pawnshop matapos na pasukin ng mga kawatan sa Pioneer avenue at dumaan sa imburnal ang mga magnanakaw na hindi man lang namalayan ng mga guwardiya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply