Pawnshop sa Iloilo City hinoldap

NATANGAY ng mga holdaper ang hindi pa batid na halaga ng mga alahas makaraang looban ng mga ito ang Sarabia Pawnshop and Jewelry sa kanto ng Guanco at JM Basa sts., Iloilo City kaninang umaga.

Kabubukas pa lamang kaninang bandang alas-9:00 ng umaga ng sanglaan nang pasukin ito ng tinatayang siyam hanggang 10 suspek.

Nabatid na dinis-armahan ng mga holdaper ang guwardiya ng pawnshop at binasag ang mga estante at kinuha ang mga alahas na naka-display.

Kaagad na rumespunde ang pulis na nasa bisinidad ng holdapan na nakilalang si PO2 Mark Zaldivar.

Ayon sa panayam sa radyo sa naturang pulis, isang babae ang nagsabi sa kanya na may nagaganap na hold-up sa nabanggit na pawnshop kaya’t agad kinuha ang armalite na nasa sasakyan at naghanap ng mapagtataguan.

Ngunit nakita ito ng mga holdaper na nagresulta ng palitan ng putok kung saan hindi bababa sa 10 mga empty shell ang na-recover sa area.

Tumakas naman ang mga suspek sakay sa tatlong motorsiklo.

Nabatid na ang pawnshop ay pag-aari ng pamilya ng asawa nina Iloilo City Rep. Jerry Treñas at Iloilo City Vice Mayor Jose Espinosa III.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply