Payapang prusisyon ng Nazareno taun-taon, milagro – obispo

nazareno

MAITUTURING na isang milagrong ang taun-taong pagiging mapayapa ng prusisyon para sa Pista ng Mahal na Poong Nazareno kahit pa milyun-milyon ang mga deboto na nakikiisa dito.

Ito ang sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kaugnay sa pagdaraos ng prusisyon para sa Pista ng Itim na Nazareno kahapon.

Ayon pa kay Pabillo, nagiging mapayapa ang taunang Traslacion dahil ginagabayan ng Poong Hesus Nazareno ang kanyang mga deboto, na isang biyayang matatawag.

Kaugnay nito, natutuwa rin naman si Pabillo sa malalim na debosyon ng maraming namamanata sa Nazareno dahil kitang-kita aniya sa kanila ang taimtim na pananalangin sa Poong Hesus Nazareno

Pinayuhan din ni Pabillo ang mga namamanata na ipagpatuloy ang debosyon sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya at pakikinig ng mga Salita ng Diyos sa mga Misa.

Paliwanag pa ng CBCP official, hindi ‘fanaticism’ ang ‘folk religiosity’ kaugnay sa debosyon ng milyun-milyong mamamayan sa Poon, dahil ang folk religiosity ay pagpapahayag ng pananampalataya ng mga ordinaryong tao.

Ayon kay Pabillo, sa pamamagitan nito, hindi makikita ang fanaticism sa prusisyon dahil mapayapa ang mga deboto sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin at pagsasakripisyo alang-alang sa kanilang pananampalataya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply