PBA Finals Game 4 mamaya na

pba-finals-2013

WALIS na kaya o mauudlot muna ang pagbagsak ng mga lobo at confetti sa kisame ng Smart Araneta Coliseum?

Malalaman sa Game 4 Finals ng nagaganap na PBA Philippine Cup na mag-uumpisa mamayang alas-6:45 ng gabi.

Taas noong papasok ng Bid Dome ang defending champion Talk ‘N Text Tropang Texters na bitbit ang 3-0 serye habang duguang tutungo sa basketball court ang Rain or Shine Elasto Painters na lubog sa 0-3.

Aminado si coach Yeng Guiao na mahirap bumangon sa 0-3 pagkakalubog subalit ayon sa kanya ay pipilitin nilang saltohin muna ang nakaabang na selebrasyon ng kalaban nilang TNT sa kanilang best-of-seven series.

Namumuro ang Texters sa kanilang pangatlong sunod na All-Filipino tilt at pagkakataon ng Tropa ni coach Norman Black na tapatan ang ginawa ng Crispa noong 1979, 1980 at 1983 na nagkampeon sa nasabing conference.

Samantala, mula nang itatag ang pro-league noong 1975, wala pang team na nakabalik mula sa 0-3 deficit sa isang best-of-7 series.

Kaya naman kahit sino ang magkampeon sa TNT at RoS ay pihadong gagawa ng history sa PBA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply