PCGG: Dapat bayaran ang mga HR victims

selda

PINABORAN ni Presidential Commission on Good Government (PCGG) chairperson Andres Bautista na bigyan ng bayad pinsala ang mga biktima ng Martial Law.

Sinabi ni Bautista na malaki ang kanyang simpatiya sa mga human rights victims noong panahon ng administrasyong Marcos.

Naiulat na malapit nang ilabas ng Kongreso ang bicameral committee report na pinagtatalunan ng komite kung bubuksan sa lahat na claimants ang nasabing danyos-perhuwisyos na kukunin sa P10 bilyong narekober ng gobyerno mula sa Swiss deposit ng pamilya Marcos.

Pinagtatalunan din ng komite kung mas malaki ang tatanggaping danyos-perhuwisyos ang mga HR victims na nagsampa ng kaso sa Hawaii court na saan makukuha ng 80 porsyento habang 20 porsyento ang iba pang claimants.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply