PCSO office dinagsa ng lotto winners

pcso

MATAPOS ang apat na araw na piyesta opisyal, dinadagsa pa rin ng mga mananaya na kumukubra ng minor prizes ang tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Kabilang sa mga pumila kanina sa pagkubra ng kanilang panalo ang 47-anyos na government accountant na solong nakasungkit ng P5,051,669.03 sa 6/45 Mega Lotto na binola noong Disyebre 30 matapos masapol ang tamang kombinasyong 10-31-13-22-19-03.

Napag-alaman na sa halagang P20 na taya sa inaalagaang numero na kinuha mula sa kaarawan ng kanyang asawa at tatlong anak, nabingwit ng mapalad na nagwagi mula sa Mandaluyong City ang jackpot prize na kanyang magagamit sa pagpapagamot sa asawang may-sakit, pagbili ng bahay at lupa at paglalaan para sa pag-aaral ng mga anak.

Samantala, tinatayang aabot na sa P93,000,000.00 ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na bobolahin sa Sabado matapos na wala isa mang nakakuha ng tamang kombinasyong 16-33-22-41-06-25 na binola kamakalawa at may lakip na kabuuang premyong P85,745,952.00.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply