Pedicab driver binoga sa mukha

crime8

HINIHINALANG may kaugnayan sa droga ang pagkamatay ng isang 30 anyos na pedicab driver, matapos malapitang barilin sa mukha ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa Tondo, Manila, kamakalawa ng hatinggabi.

Hindi na umabot sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Jeffrey Callano, ng 310 F.Varona St., Tondo, habang patuloy ang pangangalap ng testigo para sa pagkakakilanlan sa suspek na armado ng hindi pa batid na kalibreng baril.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Rodel Benitez kay P/Sr. Insp. Ismael dela Cruz, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 11:00 ng hatinggabi nang maganap ang nasabing pamamaril sa kahabaan ng Moriones St., malapit sa panulukan ng Road 10 sa Tondo.

Nabatid sa report ng pulisya, kasama umano ng biktima ang kanyang ka-live-in na nakilalang si Lizel, galing sa kamag-anak ng biktima.

Papauwi na umano sila lulan ng tricycle, at pagsapit sa nasabing lugar, isang lalaki ang lumapit saka walang sabi sabing binaril ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa kanang bahagi ng mukha malapit sa kanang tenga.

Siniguro pa umano ng suspek na wala ng buhay si Callano.
Isinugod naman sa nasabing pagamutan ang biktima, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Hinalang onsehan sa droga ang unang binubusisi ng mga awtoridad, at sinasabing kapwa umano nalululong sa shabu ang magka-live-in.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply