Pedicab driver itinumba ng 3 pasahero

crime-scene-chalk-mark

TIGOK ang isang pedicab driver makaraang barilin ng tatlong hindi pa nakikilalang pasahero sa Navotas City, Huwebes ng hapon.

Dead on the spot si Micahel Macabitas, 33, binata, ng Lourdes compound Daang Hari, ng lungsod, sanhi ng tinamong tama ng kalibre .45, isa sa ulo at dalawa sa likod.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos maisagawa ang krimen dala ang mga ginamit na baril.

Base sa imbestigasyon ni P02 Tristan de Lara ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas police, ganap na ala-1:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa nasabing compound.

Nabatid na sumakay ang mga suspek sa pedicab ni Macabitas. Pagsapit sa nasabing lugar ay siningil ni Macabitas ang mga pasahero subalit bigla na lamang binaril ang biktima sa ulo at sa likuran naging resulta ng kanyang agarang kamatayan.

Nakarekober ang mga awtoridad sa crime scene ang isang empty shell ng caliber 45 na isa sa ginamit ng salarin.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para malaman ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply