Pergalan may basbas

From.095824…..
Misyon Aksyon, sana mabigyan ng aksyon ang mga pergalan dito sa Rizal.

Ayon po sa aking source, pag may basbas ng mayor at police provincial director ay walang makahahadlang na sinoman kasi malaki ang  kanilang parating mula sa mga peryante kaya namamayagpag ang mga sugalan.

Ang kanilang puwesto ay sa may Gate 2, Cogeo sa harap ng I.N.C.  sa may Dreamland Cainta. Sina Nelma at Wood ang operator na inirereklamo ng mga kapatid dahil mismo sa harapan nila ito nakapuwesto.

Hayagan ang pasugalan nila at sa may Q Mart, Q.C. riverbank, isang alyas Rod Makalingdog na isang konsehal ng bayan ang financier. Daang libo at milyong piso umano ang suhol sa mga mayor, PD at chief of police.

Ang protektor ay isang opisyal ng police na si Manalo at kanyang mga namamahalang sina alyas Josie at Elmer.

Sana mabigyang-aksyon ito ni PNP Chief Allan Purisima na ang kanyang kampanya ay makatotohanang serbisyo publiko.

Gumagalang,
Concerned  parents

Paging DILG Sec. Mar Roxas at PNP chief Allan Purisima. Mga sir, pakiimbestigahan nga po ang PD ng Rizal na si Sr. Supt Anduyan kasi protector umano ito sa mga pergalan ng Rizal at isang opisyal na si Manalo na kumokoleksyon sa mga peryante, ‘di po ba, sir?

Bawal ‘yan, bakit  ginagamit nila ang kanilang pagkapulis para sa mga iligal na sugalan?

Pakisara na rin po ang peryahan sa harapan mismo ng Iglesia ni Cristo kasi nakasisira ng kanilang imahe.

Mayor Mon Ilagan, sir, totoo po ba na binigyan mo ng permit ang sugalan sa harapan ng kapilya ng INC?

Ayon po sa ipinadalang text sa inyong lingkod, ang operator ay sina Nelma at Wood.

Kayo rin, sir, baka magalit ang kapatiran.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at paliwanag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply