Personal driver, itinali ng 2 karnaper saka itinapon sa San Juan City

accident

NAGSASAGAWA na ng follow-up operation ang mga tauhan ng Pasay City Police carnaping unit kaugnay sa pagkakanakaw sa isang kotse matapos itali, kuryentihin at itapon ang driver nito sa San Juan City.

Batay sa imbestigasyon, ang biktima na kinilalang si Jayson de vera Caliwan, 28, residente ng Dinalupihan, Bataan ay natagpuang walang malay ng bystander sa L.Gruet St.,  Barangay Maytunas, San Juan City.

Batay sa pahayag ng biktima, nagpunta sila ng kayang amo na si Monica Rabadon sa Sea Side Bay SM Mall of Asia, Macapagal Avenue, Pasay city dakong 9:15 Miyerkoles ng gabi.

Naiwan umano ang biktima sa sasakyan na Mitsubishi Montero na may plakang TIU 160 nang tutukan siya ng baril ng dalawang lalaki na armado ng baril at itinali sa likuran ng kotse.

Dinala umano siya sa di malamang lugar at naramdaman ang kuryente sa buong katwan kasunod ng pakawala ng malay.

Ayon kay PO3 Melvin Garcia inalarma na nila sasakyan na nawawala at nasagawa sila ng manhunt operatio sa mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply