Petisyon ng grupong Oragon ibinasura ng SC

supreme-court-of-the-philippines

IBINASURA ng Supreme Court ang petisyong inihain ng partylist group na Organization of Regional Advocates for Good Governance Onward Nation-Building (ORAGON) matapos hindi makasunod sa mga rekisito na itinakda ng Rules of Court ng SC.

Ito ang nilinaw sa dalawang-pahinang resolusyon ng Supreme Court en banc.

Nakasaad din sa petisyon na late o huli na ang paghahain ng apela ng nabanggit na grupo.

Ang akreditasyon ng nasabing grupo ay una nang diniskuwalipika ng Commission on Elections dahil sa hindi umano maituturing na marginalized ang nasabing grupo.

Kinuwestiyon naman ng Oragon ang desisyon ng Comelec sa Kataas-taasang Hukuman dahil sa anila ay pag-abuso sa kapangyarihan ng komisyon.

Gayunman, sinabi ng SC na hindi umano nakitaan ng grave abuse of discretion ang Comelec nang ibasura ang petisyon ng grupo upang makalahok sa partylist race.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply