Petisyon sa anti-political dynasty, ibinasura ng SC

supreme-court

IBINASURA ng Korte Suprema ang apela ng negosyanteng si Louis Biraogo kaugnay sa isyu ng political dynasty.

Ayon kay SC Deputy spokesperson Gleo Guerra, sa ikalawang pagkakataon ay ibinasura ng kataas-taasang hukuman ang petisyon ni Biraogo na humihiling na atasan ng korte ang Comelec na ipatupad ang anti political dynasty provision ng Saligang Batas.

Gayunman, tumanggi naman si Guerra na magbigay ng iba pang detalye sa ginawang pagbasura sa petisyon.

Sa kanyang petisyon, una ng iginiit ni Biraogo na salig sa Sec. 26, Art. II ng 1987 Constitution ay nakasaad na dapat tiyakin ng estado na magkakaroon ng pantay na oportunidad para sa pagserbisyo publiko, at ipagbawal ang political dynasties.

Ipinunto nito sa petisyon ang listahan ng mga kandidato sa national at local government posts sa darating na halalan ay pawang mula sa mga kilalang political clan, gaya ng mga Aquino, Cojuangco, Binay, Estrada at Revilla.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply