Photojournalist nabangga, patay

bangkay

CAVITE-Nasawi ang isang baguhang photojournalist ng lokal na pahayagan sa lalawigan matapos na mabangga ang sinasakyang Toyota Revo sa konkretong barrier ng Malabon bridge sa Barangay San Francisco, General Trias, Cavite, Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ni P/Supt. Ceo Abrenica, hepe ng General Trias Police, kinilala ang biktima na si Ryan Ricafort y Gaspar, 28, binata at residente ng B-42 L-41 & 42 Tierra Solana Subd. Barangay Buenavista 3, General Trias.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jon jon D. Pilpapil, dakong alas-3:00 ng madaling araw habang pauwi ang biktima at sakay ng Toyota Revo na may plakang WKX-653 nang mabangga ito sa konkretong barrier ng Malabon bridge sa Brgy. Langkaan, Dasmarinas City.

Nagtamo ng maseselang sugat ang biktima na agad isinugod sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, Trece Martirez City ngunit idineklarang dead on arrival ng mga manggagamot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply