Pilot testing sa prepaid retail electricity scheme isinagawa

UPANG mabatid ang bisa o kung epektibo ang prepaid retail electricity scheme nagsagawa ng technical pilot testing ang Manila Electric Co. (Meralco) sa may 100 kabahayan sa Angono, Rizal.

Ayon kay Mr. Alfredo S. Panlilio, senior vice president and head of customer retail services ng Meralco, malalaman ang resulta sa loob ng isang linggo at gagamitin nila ito (resulta) para mailatag ang sunod nilang hakbang tulad ng pagsagawa ng commercial pilot test.

Nabatid na malalaman ng customer ang konsumo at natitirang load at makakatanggap ng abiso, maging ito ay SMS o iba pang komunikasyon, na malapit nang maubos ang load.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply