PINALAKAS NI SEC. PAJE ANG PROGRAMA TUNGKOL SA MALINIS NA TUBIG

hilda-online-logo

Ang DENR at ang National Water Resources Board (NWRB) ay nagtatrabaho tungo sa pagsanggalang sa bansa bilang bahagi ng pagsisikap na masiguro at malinis, ligtas at sapat na kalidad ng tubig para sa nakararaming Filipino.

Ang pag-unlad tungkol sa bagay na ito ay nangyari nang pumirma ng Administrative order na nagpapakilala sa isa pang mahalagang sistemang pang-ilog sa Mindanao bilang quality management (WQMA) ito ay nakaayon sa Republic Act 9275 o ang tinatawag na Philippine Clear Water Act of 2004.

Ayon kay kalihim Ramon JP Paje ang pagkakatalaga ng Taguibo River sa Agusan del Norte bilang WQMA ay kinikilala sa dapat magawa ng gobyerno na pagbibigay ng malinis na tubig na ayon sa kanya “ay isang pangunahing karapatan ng bawat Filipino.”

“Ang mapagkukunan ng malinis na tubig ay pangunahing kailangan at karapatan ng tao, na siya namang tungkulin ng gobyerno upang ito ay garantiyahan sa kanila” wika pa ni kalihim Paje.

Idinagdag pa niya; maliban pa rito, ang pagkakaroon ng ligtas na inuming tubig at ang kalinisan ay kasama sa walong (8) millennium development goals of the United Nation bilang paraan upang masawata ang pagkalat ng water-borne diseases”.

Sinabi pa ni kalihim Paje na ang pagkakatalaga ng WQMAs ay isang mahalagang kasangkapan sa pagpapatupad ng Clean Air Act sapagkat ito ay panawagan para sa pagsasanggalang sa kalidad ng tubig sa ating sistemang pang-ilog na pangunahing kailangan sa mga hanapbuhay at pampublikong kalusugan.

Sa kaso ng Taguibo River, ito ay isang pinanggagalingan ng water supply para sa Butuan City at sa mga kalapit na bayan. may maselan itong gampanin sa local livelihood sapagkat ito ang nagsusuplay ng tubig sa ating Agricultural Production.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply