AIDS mabilis na kumakalat sa Pinas

AIDS

SA PATULOY na pagkabinbin sa Kongreso ng pagpapasa sa AIDS Prevention and Control Law ay patuloy namang napapabilang ang Pilipinas sa mga bansang mabilis ang pagdami ng mga biktima ng AIDS.

Ayon kay LPG-MA Partylist Rep. Arnel Ty, nagpapatuloy ang babala ng Philippine National AIDS Council (PNAC) na posibleng umabot sa 46,000 Pinoy ang posibleng mahawahan ng human immunodeficiency virus o HIV sa 2015.

Ang Pilipinas ay kabilang sa pitong bansa sa buong mundo na patuloy na naghahanap ng lunas kung paano mapapabagal kung hindi man masugpo ang mabilis na pagkalat ng HIV infections.

Bagama’t sa buong mundo ay natukoy na ang mga hakbang upang mabagal ang pagkalat ng AIDS, iniulat ng World Health Organization na taglay pa rin ng ilang bansa ang “alarming rate” gaya ng Pilipinas,  Armenia, Bangladesh, Georgia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, at Tajikistan.

Ito ang pangunahing dashilan kung bakit nagkukumahog si Ty na manawagan sa liderato ng Senado na ipasa na ang naturang panukala dahil ang bersyon ng Kamara ay naipasa na ito sa ikatlong pagbasa.

Nitong 2012, ay naitala na nasa 342 na overseas Filipino workers ang nagtataglay ng HIV.

“The Senate has already scheduled a committee hearing on their counterpart bill, authored by Sen. Miriam Santiago, on Thursday, January 31. We have very high hopes we will have a new by mid-year at the latest,” ayon kay Ty.

Pangunahing layunin ng House Bill (HB) 6751 ang maamiendahan ang “outmoded 1998 AIDS Prevention and Control Law.”

May kabuuang 3,338 na bagong HIV infections nitong 2012 na mas mataas ng 42 porciento o 989 kumpara sa bilang noong 2011 na 2,349 lamang batay sa record ng National Epidemiology Center.

Sa bilang na 3,338, ang 94 porciento (3,159) ay nahawahan ng HIV sa pamamagitan ng pakikipagtalik;5 porciento (175) ay sa tusok ng karayom para sa hanay ng mga drug users at mas mababa sa 4 na porsiyento ay nahawa ng ina sa kaniyang anak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply