Pinas magiging maulan dahil sa LPA

PAGASA-DOST

MAGIGING maulan ang Pilipinas ngayong araw dahil sa low pressure areana namataan sa layong 985 kilometers northeast ng Aparri, Cagayan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang Hilagang Mindanao at ang rehiyon ng Caraga ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Samantala, ang natitirang bahagi ng bansa ay patuloy na magiging maulap at makakaranas ng pag-ulan na may kasamang pagkulog.

Sinabi rin ng PAGASA na agad namang mawawala ang LPA dahil sa Northeast Monsoon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply