Pinas makapag-eexport na ng bigas ngayong taon

POSIBLENG umanong muling makapag-export na ng bigas sa iba’t ibang bansa ang Pilipinas dahil sa gumagandang panahon.

Ang planong pag-eexport ng butil ay kinumpirma ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Mula sa pag-aangkat ng halos 2.5million metric toneladang ng bigas noong 2010, tiniyak ng Pangulo na katuwang ang National Food Authority (NFA) na magiging sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

Samantala, magbibigay din ng sapat na pondo ang Pangulo para sa mga irigasyon ng mga patubig at pagpapa-unlad sa pagsasaka para matiyak ang sapat na suplay ng bigas ngayong taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply