Pinas target ang 5M turista ngayong 2013

BAGAMA’T nabigo ang ahensya na maabot ang target noong 2012 sinikap ng Department of Tourism (DOT) na makapagtala ng 5 milyong turista ngayong taon.

Ayon kay Tourism Sec. Ramon Jimenez, malaki ang pag-asa nila na maabot ang nasabing target matapos makapagtala ng mahigit apat na milyong turista noong nakaraang taon.

Nasa 93.8 percent ng kanilang target noong 2012 ang kanilang nakamit at first time aniya na maabot ng bansa ang four-million mark sa tourism history.

Sinabi naman ni Jimenez na mas paiigtingin pa ng bansa ang kampanyang “It’s more fun in the Philippines” para makuha ang 10 milyong target visitors pagtapos ng 2016.

Ayon sa ulat, nakapagtala ang Pilipinas ng 4.3 milyong turista sa buong taong 2012 na mas maliit sa target nito na 4.6 milyon.

Sa kabila nito, nilinaw ng DOT na ito ang pinakamataas na bilang ng turistang naitala sa buong kasaysayan ng bansa.

Mas mataas din ito ng 9% kumpara sa bilang ng mga turistang bumisita sa bansa noong 2011 na umabot sa 3.9 milyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply