Pinaslang na Isabela mayor, ililibing na sa Sabado

SA DARATING na Sabado (PEbrero 2) na dadalhin sa huling hantungan ang pinaslang na Maconacon mayor na si Erlinda Domingo.

Sinabi ng son-in-law nitong si Chester Vicente, dumating na ang anak ni Domingo na si Celso Jr. mula Taiwan, pero malabo nang makauwi pa ng bansa ang asawa nito na nasa Texas, USA.

Dadalhin sa munisipyo ang labi ni Domingo para sa necrological service bago ililibing sa Maconacon Public Cemetery.

Matapos ang libing, tututukan naman ng pamilya ang kaso ng pagpatay sa alkalde at pag-aaralan kung may hahalili rito para tumakbo bilang mayor sa May midterm elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply