Pine trees sa Benguet nauubos na

KUNG hindi agad kikilos ang awtoridad, unti-unti nang mauubos ang mga Pine tree sa Benguet dahil sa illegal loggers.

Dahil dito, nakikiusap ngayon ang mga mamamayan ng Sitio Ikep, Bokod, Benguet sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan nito ang unti-unting pagkaubos ng mga pine trees sa nasabing lugar.

Isa sa mga nasisilip na dahilan ay ang patuloy na operasyon ng illegal logging sa nasabing bayan sa kabila ng logging ban sa kasalukuyang administrasyon.

Ayon pa sa mga residente, nababahala na ang nasabing insidente dahil halos wala na silang nakikitang berdeng kulay sa mga kabundukan dahil sa pagkaubos ng mga pine trees.

Anila, dati rati naman ay malago sa pine trees ang mga bundok sa bayan ng Bokod hanggang sumulot ang mga illegal logger at pinutol ang mga nasabing puno.

Paliwanang pa ng mga residente, isinangguni naman nila sa pulisya ang problema ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito inaaksyunan.

Dahil dito, hiling ng mga residente na siyasatin ng DENR ang iligal na aktibidad at patawan ng kaukulang parusa ang mga namumutol ng mga puno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply