Pinoy kabilang sa mga na-hostage sa gas field sa Algeria

DFA

INAALAM pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakalap na ulat na isang Pinoy ang sinasabing kabilang sa mga na-hostage sa gas field sa Algeria.

Ayon sa report, kabilang sa mga na-hostage ang isang French national, English, Japanese, Filipino at Malaysian pero hindi pa nailalabas ang mga pangalan.

Una nang inihayag ng Algeria na isang Algerian at isang Briton ang napaslang sa pag-atake ng Islamist group.

Nabatid pa sa ulat na inihayag ng grupo na ang pagsalakay ay bilang pagganti nila sa French military intervention laban sa Islamist group na umagaw ng control sa Northern Mali noong April 2012.

Kaugnay nito, inihayag naman ni DFA spokesman Raul Hernandez na bini-beripika pa nila ang nasabing report upang matukoy ang pangalan ng Pinoy na nadamay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply