Pinoy na namatay sa hostage crisis sa Algeria, 8 na

algeria

UMABOT na sa walo ang Filipino na naiulat na namatay sa hostage crisis sa Algeria makaraang makatanggap ng impormasyon na nakita na ang bangakay isa sa dalawang Pinoy na nawawala

Ayon sa pahayag ni Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez, nakatanggap sila ng balita kagabi mula sa kanilang team sa Algeria na natagpuan na ang bangkay ng isa sa dalawang Pinoy na napaulat na nawawala.

Sinabi ni Hernandez na ayon sa ipinadalang team sa Algeria, positibng kinilala ang natagpuang bangkay ng Pinoy at isa na lamang umano ang nawawala.

Samantala, nasa kamay na ng DFA ang listahan ng walong namatay pero tumanggi na silang ilabas ito alinsunod na rin sa kahilingan ng mga pamilya.

Ani Hernandez, inaayos na ngayon ang repatriation ng mga labi at magbibigay din ng benepisyo at iba pang tulong ang mga employer sa pamilya ng mga nasawi.

Nabatid na may apat pang sugatan sa Algeria hostage ang ginagamot sa Al Azar Clinic na nabisita na rin ng mga tauhan ng DFA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply