Pinoy nahulihan ng P35M shabu sa NAIA

shabu1

NAHULIHAN ng mga tauhan ng Customs police ang isang Filipino ng humigit kumulang na pitong kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P35 milyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi.

Lumapag sa NAIA galing ng Hong Kong ang suspek na si Rosendo Bastasas Ariata lulan ng PR flight 307.

Dahil sa kahina-hinalang kilos, sinita ng Customs police na si Antonio Punzalan si Ariata.

Nang inspeksyunin ang bagahe nito, nakita ang pitong kahon na may tatak na brand ng gatas ngunit nang bulatlatin pa ang laman ay natuklasang pitong kilo ng shabu.

Nababahala naman ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil ito ang unang pagkakaton na isang Pilipino ang
nagsilbing drug mule ng sindikato.

Sinabi ni Ronnie Cudia ng PDEA, karamihan sa mga drug mule na nagpapasok ng droga sa Pilipinas ay mga West African kaya iimbestigahan nila kung ano ang partisipasyon ng mga Pinoy sa pagtutulak ng droga.

Nahaharap si Ariata sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) sa Pasay City Prosecutors Office.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply