Pinoy nakatakas sa hostage takers sa Algeria

DFA

SUGATAN ang isang Pinoy na nakatakas sa mga Islamist militant na nang-hostage sa isang gas field sa Algeria. Ito ang kinumprima ng Department of Foreign Affairs.

Ayon kay DFA Spokesman Asec. Raul Hernandez sa panayam sa radyo kanina, ang naturang Pinoy na hindi pa pinangalanan ay nagtatrabaho sa Amenas Gas Field sa Algeria kung saan nagaganap ang hostage taking ng mga Islamist militant.

Ang impormasyong ito ay galing umano sa Japanese Embassy kung saan nabatid na Japanese contractor ang pinagtatrabahuhan ng naturang Pinoy.

“‘Yung Japan ay may contractor doon, Japan Gas Corporation, at mayroon daw mga Filipino na nagtatrabaho doon,” sabi ni Hernandez.

Kaugnay nito, kinukumpirma rin ng DFA ang impormasyong itinawag sa kanila ng kapatid ng isa sa nagtatrabaho sa naturang lugar na 15 pang mga Pinoy ang sinasabing trabahador ng Amenas Gas Field.

Ayon kay Hernandez, nakatawag pa umano ang Pinoy worker na ito sa kanyang kapatid noong Miyerkules (oras sa Algeria) at hindi anila sila makaalis sa loob ng pasilidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply