Pinoy woodpushers umaariba sa PSC Cup

chess

APAT na Pinoy woodpushers at isang foreign player na lang ang natitirang malinis matapos ang third round ng nagaganap na ng Philippine Sports Commission (PSC) Cup International Chess Championships sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Magkasalo sina GMs Mark Paragua, Darwin Laylo, at FMs Haridas Pascua at Randy Segarra upang pagtulungan ang nakikisingit sa kanilang si No. 15 seed FM Gombosuren Munkhgal, (elo 2372) ng Mongolia.

Giniba ni Olympian Paragua ang kababayang si Nelson Villanueva kagabi upang iaayos ang kanilang sagupaan ni Gombosuren sa round four sa top board ngayong hapon.

Hiniya ni Gomboseren ang kalugar niyang si IM Bayarsaikhan Gundavaa, (elo 2522).

Tiniris ng Laylo si David Elorta habang sinilat ni Segarra si IM Barlo Nadera upang mapalakas ang tsansa na masungkit ang tumtaginting na US$6,000 top purse.

Magtutuos naman sina Laylo at Pascua habang mahaharap muli si Segarra sa matinding hamon laban kay No. 3 ranked GM Rogelio “Joey” Antonio, (elo 2541) sa event na ipnatupad ang nine rounds swiss system.

May 2.5 points si Antonio kapareho ng puntos nina Pinoy chessers, Edsel Montoya, Hamed Nouri, Rustum Tolentino at FM Julius De Ramos.

Sina top seed GM Aleksandr Rakhmanov, (elo 2612) ng Russia at Pinoy bet ranked No. 2 Oliver Barbosa, (elo 2574) ay kasalo mula 11th hanggang 28th places tangan ang dalawang puntos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply