Pinsan ng reporter dinukot, nawawala

DINUKOT umano ng di nakilalang armadong kalalakihan ang isang 26 anyos na mekaniko at pinsan ng isang reporter matapos na hindi na makauwi pa ng kanilang bahay sa Sta.Cruz, Maynila.

Dumulog ngayon sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section ang live-in ng biktima na si Jacquelyn Cortez, 25,  ng 2866 B Tambunting St. Sta. Cruz, Maynila para ireklamo ang pagkawala ni Jaime Reyes.

Sa pahayag ni Cortez, dakong alas 3 ng hapon, kamakalawa ng huli nilang makita ang biktima makaraang utusan ng kanyang kapatid na si Gregorio Reyes na magpa-vulcanize  ng gulong at bumili ng turnilyo.

Ilang mga saksi naman umano ang nakakita na nagbibisikleta ang biktima nang hawakan ito at isinakay sa isang kulay pulang kotse sa may Pampanga at Aurora  St. sa nasabi ding lugar.

Gayundin nang tignan ang kuha ng CCTV sa lugar ay nakitang isinakay nga sa kotse ang biktima ngunit hindi naman makilala ang mga suspek.

Sinubukan na ring hanapin ng pamilya sa MPD-Police Station 3 at sa PS 7 ang biktima pero hindi nila nakita sa mga nabanggit na presinto.

Nangangamba ang pamilya ni Reyes na may nangyaring masama sa kanya dahil si Reyes kilala itong ka-tropa ng mga pinaghihinalaang carnapper.

Si Reyes ay malimit rin sumasali sa mga drag racing.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply