Pinsan ni Ilocos Norte Gov. Marcos, nadiskuwalipika sa INEC

Mariano-Marcos-II

LAOAG CITY – Disqualified ang pinsan ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa isang mataas ng posisyon sa Ilocos Norte Electric Company (INEC).

Bigong maupo bilang isang general manager ng INEC si Mariano “Nonong” Marcos II, na kasalukuyang Sangguniang Panlalawigan ng nasabing lalawigan.

Ayon sa impormasyon, ini-impluwensyahan umano ng gobernadora upang umupo ang kanyang pinsan bilang bagong general manager ng INEC.

Pero ayon sa pag-aaral ng board of directors ng nasabing electric company napag alaman na walang kakayahan si Marcos II para sa nasabing posisyon dahil hindi siya engineer.

Ang pina-upo bilang bagong general manager ng INEC ay si Engr. Bing Agdigos, isang empleyado ng cooperative kapalit ni out-going general manager Engr. Renato Balintec.

Sa pahayag ng mga kawani ng INEC ay walang palakasan sa kanilang tanggapan dahil ang itinalaga nilang bagong general manager ay nakakaintinde sa pagpapatakbo ng kumpanya.

Si Marcos ay uupo bilang cooperative consultant ng INEC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply