PIO CHIEF NG QCPD PALPAK

lily's-files-lily-reyes

BAGO na ang District Director ng Quezon City Police District (QCPD) at sana ay magkaroon na rin ng pagbabago rito lalo na ang sinasabing untouchable na mga opisyal.

Noong nakalipas na Sabado ay pormal nang isinalin ni dating QCPD Director Gen. Mario Dela Vega kay Sr. Supt. Richard Albano, ang QCPD Command.

Sana sa pag-upo nitong si Col. Richard Albano bilang District Director ng QCPD ay magkaroon na ng malaking pagbabago, lalo na roon sa mga opisyal na nakapuwesto na hindi naman napakikinabangan.

At isa sa aking mga tinutukoy ay itong tanggapan ng Public Information Office o PIO na hindi napakikinabangan itong PIO Chief na si Chief Inspector Edgar Osam.

Sinasabing itong si Maj. Osam ay napaka-untouchable umano dahil kahit alam ng mga nagdaang District Director na wala itong pakinabang ay  hindi pa rin matinag-tinag sa kanyang kinalalagyan bilang PIO Chief ng QCPD.

Ilan sa  maraming reklamo ng mga reporter at photographer ang hindi  nito pagsagot sa mga text message sa kanya para humingi ng reaction sa isang insidente at kung kailan nagsisimula na ang  presscon ay doon lang magti-text sa kanila.

Sa isang tanggapan ay napakahalaga ng PIO dahil ito ang kailangang magsalita o magbigay ng pahayag sa mga isyung kinasasangkutan ng opi-sina ngunit hindi ito nagagawa ng PIO ng QCPD.

Sabagay, inamin naman nitong si Maj. Osam noon na hindi  talaga niya  linya ang pagiging PIO Chief kaya nga lang ay kailangan niyang tanggapin ang trabahong iniatang ng QCPD sa kanya.

Itong si Maj. Osam ay naging PIO Chief na ng tatlong mga nagdaang District Director na sina Gen. Benjarde Mantele, sinundan ni Gen. George Rejis at ang pinalitang DD na si Gen. Mario Dela Vega.

Ngayong  si  Col. Albano na ang  District Director ng QCPD , manana-tili pa rin bang PIO Chief itong si Maj. Osam?

Col. Albano, sir, ipakita n’yong kayo ang District Director ng QCPD,  huwag kayong magpapadaig sa ilang opisyal diyan, katulad noong  tatlong nagdaang Heneral na  parang sunud-sunuran lang sa  kagustuhan ng iilang opisyal.

Maraming opisyal ang QCPD na mas magagaling pero nakatengga lang dahil hindi bata ni, sir.

Bigyan  naman  sila ng pagkakataong makahawak ng puwesto, hindi ‘yung nakatuon lang sa iilan na wala namang alam sa kanyang gawain.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000 at 09087230036  o kaya ay mag-email lang sa …

lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply