PIPITSUGIN PERO APEKTADO

ito-ang-totoo-colored

KANDALAITI sa galit sa atin itong ex. Kgd. Edwin Piano na talunang kandidato sa pagka-barangay chairman ng Bgy. Sta. Rita, Olongapo City dahil sa isyu ng “stampede” sa tiangge sa ibabaw ng tulay.

Hindi naman siya kundi ang kapatid niya sa konseho na proponent ng tiangge ang tinamaan sa ating isinulat kamakailan.

Ito ang Totoo: bagama’t sa resolusyon ng konseho ay hindi kasama ang ibabaw ng tulay papasok ng Freeport (SBMA), inokupahan ito ng Olongapo night market organizer na isang Aliah na nagyayabang na nag-advanced na ng milyones kay Mayor Bong Gordon sa pamamagitan ng pamangking si JLo.

Noong Pasko, Disyembre 25, 2012, nagka-stampede dahil sa may nag-away habang nagsisiksikang parang sardinas ang mga tao sa ibabaw ng tulay. Iyakan ang mga bata, sigawan ang matatanda at may mga nag-akyatan sa wire mesh sa isang gilid ng tulay.

Isa sa mga nasaktan si Gng. Socorro Ibo, 75, ng  Bgy. East Tapinac at ito’y naospital pero hindi na nagsampa ng reklamo. Pinatotohanan ito ng anak na si Joseph Ibo, kasama sina Jeanette De Asis Fredeluces Alagon,  Czarina Mora Motta at naroon din si Ernel Galang, Jezzica Danielle, Mark John Aube, Xandra Sy, Jaycee Eben at marami pang iba.

Nagpatotoo rin ang mga marshall ng Night Market sa Freeport side na kasamang nagresponde sa insidente pero itong si Edwin Piano, ipinipilit na wala raw ganoong nangyari.

Ito Ang Totoo: ang tiangge sa ibabaw ng tulay ay tunay na pahirap sa mga empleyado ng SBMA at Freeport, pati na sa mga bumibisita at ang masaklap, nalalagay pa sa panganib ang kanilang buhay sa tuwing dadaan sa tulay na ayon sa SBMA Eng’g Dept. ay may crack na kaya ipinagbabawal na daanan ng sasakyan at pang-pedestrian na lang.

Dahil sa tiangge sa ibabaw ng tulay, tumatagal ang nagsisiksikang tao, kaya pwedeng bumigay ang tulay anomang oras. Ito ang isyu para sa kapakanan ng mamamayan pero itong si Edwin Piano, namimersonal at pati ang mga diyaryong tabloid ay minaliit nito.

Akala mo kung sino, dahilan malamang kaya isinuka ng Bgy. Sta. Rita noong nakaraang eleksiyon ang loko. Ito Ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply