Piskal na biktima ng pamamaril sa Cebu nakakarekober na

BAGAMAT nananatili pa rin sa intensive care unit (ICU) sa Cebu Doctors Hospital, bahagyang bumubuti na ang kondisyon ng piskal na biktima ng pamamaril ng Canadian national sa Palace of Justice sa Cebu nitong Martes.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, nakagagalaw at nakapagsasalita na si Prosecutor Ma. Theresa Casino.

Ngunit hanggang ngayon aniya ay hindi pa rin nakakakita ang piskal.

Posibleng naapektuhan ang mata ni Casino nang tamaan ito ng bala ng baril sa ulo.

Samantala, sinabi rin ni Arellano na nagpalabas ang Prosecutors’ League of the Philippines ng P100,000 bilang tulong pinansyal kay Casino.

Bukod dito, kusa ring nagbibigay ng kani-kanilang kontribusyon ang ilang piskal para makatulong sa pagpapagamot ni Casino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply