Pito sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa NLEX

emergency-2

SUGATAN ang pito katao sa magkahiwalay na aksidente sa North Luzon Expressway (NLEX).

Sa unang insidente, nagbanggaan ang bus at taxi na sa northbound lane bago dumating ang Valenzuela exit.

Sa naturang insidente sugatan ang mga pasahero ng airport taxi na sina Toto Almada, Analiza Garbida, Gerald King at isang hindi pa nakilala na pasahero naman ng bus na isinugod sa Montefalco Hospital.

Batay sa pahayag ng taxi driver na si Regalado Siasat, palabas na siya ng expressway patungong Valenzuela nang banggain ng SanTrans bus ang likurang bahagi ng kanyang sasakyan.

Sa report, agad na tumakas ang driver ng bus na kinilalang si Victor Caringal.

Sa isa pang insidente, sugatan ang driver ng ES Transport bus at dalawang pasahero nito matapos sumalpok sa isang dump truck sa soutbound lane ng NLEX malapit sa Cloverleaf Interchange, Balintawak, Quezon City.

Agad na isinugod sa Quezon City General Hospital ang driver na naipit sa loob ng minamanehong bus.

Sa salaysay ng konduktor ng bus na si Percival Mola, galing sila sa Cabanatuan City at patungong Pasay City nang biglang mag-cut ang dump truck na nagresulta sa naturang aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply