PMA cadet, nalunod sa Ilocos Sur dam

crime6

PINAGLALAMAYAN na ngayon ang isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA)  matapos itong malunod sa dam sa Sitio Bao-angan, Comillas, South Ilocos Sur, nitong Martes ng hapon.

Sa impormasyon na ipinadala ni Supt. Mario Mayames, intelligence officer ng Benguet Police Provioncial Office, nakilala ang biktima na si Bryx Lee Sad-ayan Betong, 19-anyos, binata at residente ng Barangay Paco, bayan ng Mangkayan, lalawigan ng Benguet.

Ang nasabi aniyang impormasyon ay nanggaling mismo sa tiyuhin ng biktima na si PO1 Efren Sad-ayan ng Mankayan MPS.

Ayon kay Sad-ayan, naitakbo pa ang kanyang pamangkin sa Cervantes  Hospital sa Ilocos Sur pero idneklara itong dead on arrival ng mga doctor doon.

Ang labi ng PMA cadet na si Betong ay dinala sa bahay ng kanyang lolo na si Butdoy Sad-ayan sa Sitio Batbato, Cabiten, Mangkayan, Benguet para sa kaukulang pagburol.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply