PNoy, di kailangang humingi ng gun ban exemption- Comelec

comelec-chair-brillantes

HINDI na kailangang humingi ng gun ban exemption ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ito ang nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. kasunod ng ulat na humihingi ng gun ban exemption ang pangulo bunsod na rin ng implementasyon ng election gun ban simula bukas sa Linggo, Enero 13,  kaugnay ng May 13 national elections.

Ipinaliwanag ni Brillantes na bilang chief executive at commander in chief ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ay maaring makapagdala at makagamit ng baril ang pangulo.

Sinabi pa ni Brillantes na kung ang police general ay exempted sa gun ban, higit lalo aniya na dapat na exempted ang commander-in-chief nito.

Mariin ring pinabulaanan ni Brillantes ang mga ulat na sinabi niyang hindi exempted sa gun ang pangulo.

“Humihingi ng exemption si Presidente. Sabi ko, ‘Teka muna, bakit humihingi ng exemption si Presidente?’ Sinabi ko raw kailangan humingi. Sabi ko, ‘Hindi,'” ayon kay Brillantes. “Kung babasehan natin ang reso, chief of staff, police general, exempted lahat. Ito ho bang commander- in-chief natin sa buong Pilipinas, ‘yung chief executive, hihingi pa ng exemption sa’min?” aniya pa, sa panayam sa radyo.

Kasabay nito, nilinaw rin ni Brillantes na hindi mismong ang Pangulo ang humingi ng exemption para sa dalawang baril nito kundi si PNP Chief Director General Alan Purisima.

Inihahanda na rin naman aniya nila ang tugon sa liham ni Purisima at lilinawin nila rito na “presumed” na ang exemption ng Pangulo.

“Hindi ang Pangulo ang sumulat, ang sumulat si General Alan Purisima, requesting an exemption for the President and a security, driver security,” paliwanag pa ng poll chief.

“Siguro ‘yung sinasabi na i-screen namin, ‘yan sinabi ni Commissioner Elias Yusoph (chairman ng committee on the ban) just to clarify, [hindi] ‘yung sa presidente kundi dun sa driver,” paliwanag pa niya.

“The presumption si already there. As the chief executive, commander in chief of all the armed forces, police, walang exemption na. The exemption is presumed to be there.”

Gayunman, naiintindihan din naman umano ni Brillantes na kaya lamang naghain ng request sa gun ban ang pangulo ay nais nitong maging ehemplo sa mga kababayan.

Una nang kinumpirma ni Yusoph ang paghingi ng exemption sa baril ni PNoy sa kanyang pistol/glock caliber .40 at HPRFL/SIGSR caliber 666.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply