PNoy, duda sa report ng PNP sa Atimonan shootout

pnoy0

INAMIN ni Pangulong Benigno Aquino III na nagduda siya sa report ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa engkuwentro sa Atimonan, Quezon.

Sa isang panayam, sinabi ni PNoy na agad niyang inalam ang detalye ng engkuwentro at doon napag-isip-isip na hindi normal ang nasabing report.

“‘Yung initial kasi was a text message from, I think it was Director General (Alan) Purisima saying that there was an encounter or there was a reported encounter. Siyempre, unang-unang reaction, labing-tatlong namatay, medyo maraming namatay, tapos may presumption of regularity, initially; may nasugatan on the side of the people who are manning the checkpoint. On the surface, parang may proof na may encounter,” anito sabay sabing “However, I asked for a lot of the details at doon sa details medyo napag-isip na ako doon sa salaysay na ibinigay, at brining-up (bring up) ko ito kay Director General Purisima and (to) Secretary (Mar) Roxas also na to look into what seemingly was not normative or normal behavior. For instance, sa checkpoint, marami tayong reports na may checkpoints tayong naha-harass—naha-harass, nahuhuli ang perpetrators subsequent to that checkpoint. Dito, palagay ko… Sorry, I’m a bit hesitant to talk about the details—that is an ongoing investigation. I don’t want to prejudge and perhaps, give the impression that I’m leading the investigators to a certain conclusion.”

Bukod dito, lalong nagduda si Pangulong Aquino sa report ng PNP nang makita niya sa mga pahayagan ang mga larawan ng nasabing insidente.

Inamin din ng Chief Executive na lalo siyang nagduda sa report nang himayin niya ang nangyari sa checkpoints kung saan nagkaroon ng putukan at may namatay.

Ipinangako naman ni PNoy na mabibigyan ng katarungan ang mga nabiktima sa engkuwentro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply