PNOY HINANGAAN SA DAVOS (SICK MAN OF ASIA IS DYING)

burdado-jun-briones

WORLD Economic Forum sa Davos, Switzerland, mariing ipinagmalaki ni PNoy ang istayl ng kanyang administrasyon kontra sa “graft and corruption” sa ating bansa.

Ayon sa mga tagapag-tsubibo ng Palasyo, ang talumpati ng Pangulo ay hinangaan daw. Weeh! Talaga?

Mula sa dating sick man of Asia ngayon ay isa ng dynamic country bucking a global economic downturn.

Ganito ibinida ni PNoy ang kalagayan ng ‘Pinas dahil sa kanyang pakikibaka laban sa graft and corruption.

Natural hanga ang mga tagapakinig. Wala silang karapatan para magduda!

Dahil hindi naman nila alam ang tunay na kaganapan dito sa ating bansa. Huh!

Usap tayo tungkol sa graft and corruption: Alam ba sa Davos na si dating Isabela Gov. Grace Padaca ay itinalaga ni PNoy na Comelec Commissioner kahit ito ay may kasong graft and corruption at “wanted” noon sa batas?

Alam ba ng mga taga-Davos na mismong si PNoy ang nagpiyansa kay Grace Padaca sa kaso nitong graft and corruption? Ang sagot ng mga taga-tsubibo ni PNoy, hindi pa ‘to convicted at naniniwala ang Pangulo na ito ay inosente!

Ganyan din ba ang paniniwala ni PNoy sa lahat ng may kasong graft and corruption dito sa atin?

‘Di ba sila ay convicted na agad sa paningin ni PNoy bago pa matapos ang paglilitis?

Pero kung kaalyado ay inosente agad bago pa malitis!

Heto pa parekoy. Alam ba ng mga taga-Davos na si dating Bukidnon Rep. Nereus Acosta ay itinalagang General Manager ng Laguna Lake Development Authority kahit ito ay nahaharap sa kasong graft and corruption?

At ngayon ay ipinaaaresto na ito ng Sandiganbayan!

Kung babasehan ang tulong ni PNoy sa graft and corruption ni Padaca, sino sa palagay ninyo ang pipiyansa kay Acosta?
Hak, hak, hak! Secret!

Sa mga kaganapang ito kina Padaca at Acosta, naniniwala ba kayo, parekoy, na sila ay maparurusahan sa mga kasong graft and corruption habang si Noy ang Pangulo?

Halimbawa lang madeklara ng korte na si Padaca ay guilty, masisibak ba siya bilang commissioner ng Comelec?

‘Di ba ang mga nasa constitutional bodies ay masisibak lamang sa impeachment?

Paano ‘yan? It’s more fun in the Philippines indeed!

Hindi ba totoo parekoy na the sick man of Asia is dying?

Bwar, har, har!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply