PNOY HUWARANG EHEMPLO SA PAGKAKAROON NG BARIL

alingawngaw

BAGAMAN siya ang pinakamataas na opisyal ng bansa, hindi nagdalawang isip si Pangulong Benigno Aquino III na maghain ng ‘gun ban exemption’ sa Commission on Elections (Comelec) noong Huwebes upang patuloy niyang madala ang kanyang personal na baril.

Subalit nilinaw ng ahensiya na bilang pinakamataas na puno ng bansa ay hindi kailangan ng pangulo, commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sapagkat ang gun ban ay hindi para supilin ang military sa kanilang operasyon.

Dahil isang gun enthusiast, nais ni Pangulong Noynoy na dala niya madalas ang kanyang personal na baril na gamit niya sa kanyang practical shooting.

Isa lang ang ibig sabihin ng aksyon ng pangulo – isa siyang responsableng nagmamay-ari ng baril. Hindi sinasamantala ni Pangulong Aquino ang kanyang posisyon upang kontrahin ang batas.

Puwedeng-puwede namang hindi siya kumuha ng exemption para sa gun ban kasama ang mga miyembro ng Presidential Security Group(PSG) si Pangulong PNoy subalit ipinakita niya sa mga mamamayan ang pagiging pantay-pantay at hindi dapat gamitin ang palakasan.

Para kay Pangulong Aquino, hindi dapat matuloy ang total gun ban sapagkat magiging daan ito ng lalo pang kaguluhan sa bansa sapagkat ang mga responsableng nag-mamay-ari ng mga baril ay mapipigilan na sa pagdadala ng kanilang mga gamit at tanging ang masasamang loob na lang ang may karapatang magdala ng baril sapagkat wala namang inaalala ang mga ito kapag nahuli sa kaso nang pagdadala ng baril na walang sapat na papeles.

Katwiran ng mga masasamang loob na ito, mahuli man sila, makakapagpiyansa naman. Basta huwag lang silang mabuko na may mga iniingatang sindikato.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply