PNoy kay Gov. Garcia: Sundin mo ang batas

gwendolyn-garcia

IPINAMUKHA ni Pangulong Benigno Aquino III kay Cebu Gov. Gwen Garcia na kailangan niyang sundin ang batas at kautusan na sinususpinde siya sa puwesto matapos kasuhan ng grave abuse of authority noon pang taong 2010.

Sa isang panayam, sinabi ng Punong Ehekutibo na malakas ang ebidensiya laban kay Garcia na inipit nito ang pondo ng tanggapan ng Cebu Vice-Governor.

“Dictated ba ‘yung suspension? There’s only one so far, si Gwen Garcia. Is that dictated by politics? Mahaba ‘yung proseso, ano. The complaint originated in 2010, if I’m not mistaken. Dumaan ang pagkahaba-habang proseso inimbestiga siya ng DILG,  under Secretary Jesse Robredo; dinala sa Office of the President and the ES studied the matter, at lumabas na may mga base ‘yung reklamo nung yumaong vice governor. Baka puwede nating i-highlight ‘yung isa. (The) issue is ‘yung budget ng Sangguniang Panlalawigan, ‘yung budget ng Office of the Vice Governor,” anito.

Pinalagan ni Pangulong Aquino ang alegasyon ni Garcia na intensyonal ang pag-target ng pamahalaan sa mga mga opisyal na makakalaban ng mga manok ng liberal Party sa nalalapit na eleksyon.

“I think, it has clearly been established na nung namatay ‘yung Vice Governor na hindi po nila ally, ‘yung binawasan na budget, ibinalik sa dating number. So talagang sinadya na bawasan ‘yung budget para doon sa panahon ni Vice Governor; tinanggal rin ‘yung kapangyarihan niya na i-appoint ‘yung mga empleyado ng Sangguniang Panlalawigan na clearly ay nasasaklaw ng Vice Governor being head of the legislature in Sangguniang Panlalawigan. In short, napaka-klaro nung ebidensiya, facts, pati na ‘yung testimonya na pati kaalyado ni Governor Garcia. So there was a violation of the pertinent rules and regulations, and there is a corresponding penalty. We are blind  as  two party affiliation. ‘Yung reverse is to do nothing and to be accused of not  fulfilling our oath to faithfully execute all laws of the land. Nagkataon na hindi namin sila kapartido. That doesn’t mean na hindi sila sumubok na sumanib sa amin, pero kailangan naman siguro—may nag-akusa, may  resolution nung akusasyon at napatunayan na merong paglalabag doon sa kaukulang mga patakaran.”

Sinabi ng Chief Executive na tinutupad lamang niya ang kanyang mandato at hindi siya namemersonal.

Samantala, patuloy na nakikipag-usap ang Pangulong Aquino sa kanyang mga kapartido bilang paghahanda sa pangangampanya ng LP sa nalalapit na halalan sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply