PNOY MALAKING BAGAY SA ADMIN CANDIDATES

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

MALAKI ang tsansang makakuha ng mayorya sa Senado ang mga kandidato ng administrasyon dahil sa mabangong pangalan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ang katotohanang ‘di maitatatwa ng miyembro ng United Nationalist Alliance (UNA) dahil ang pagsipot lamang ni PNoy sa mga pagtitipon ng admin candidates para sa nasyonal at lokal ay tiyak na magdaragdag ng additional factor para manalo ang manok ng Malakanyang.

Maging sa pagdating ng TV ads ng mga senatorial bet ng administrasyon ay tiyak na magbu-boom kapag umalagwa na ang mukha at pag-eendorso ni Pangulong Noy sa kanila.

Bukod kasi sa pinaangat ni PNoy ang ekonomiya ng bansa ay nakikita naman sa pamumuno nito ang pamamalakad na matuwid.

Ramdam din ng mamamayan ang pagkalinga ng pamahalaan sa administrasyon ni PNoy kaya’t tiyak na pati ang masa o maralita ay sasang-ayon sa mga ilalapit ng Pangulo na mga kandidato.

Hindi kagaya noong araw na “kiss of death” ang pag-endorso ng mga nakaraang Pangulo sa kanilang kandidato katulad na lamang noong kay Ate Glo, na bagaman magaling ang kanyang pambato na si Gibo Teodoro ay nadamay ito sa papalasak na imahe ni GMA noong mga panahong iyon.

Kitang-kita rin ang pagkabawas ng corruption sa bansa at iyan ang tatak ngayon ni PNoy dahil malaki ang itinaas ng pagsang-ayon ng taumbayan sa kasalukuyang liderato.

Hindi pa natatapos sa kampanya ng kasalukuyang  administrasyon ang paglaban kontra kahirapan at kontra korapsiyon kaya’t i expect natin na darami pa ang susuporta sa pambato ni PNoy dahil puro trapo naman ang kalaban.

###

Umiinit na rin ang labanan ngayon sa Antipolo City.

Mukhang gigil na gigil ang angkan ng Ynares na mapasok ang teritoryong hinahawakan ngayon ni Mayor Leyble.

Banat dito, bira roon daw ang ginagawa ng mga Ynares kaya’t tiyak na magiging kapana-panabik ang laban sa nasabing lungsod na dinarayo ng mga relihiyoso.

Marami pang magaganap na kaaya-ayang palabas sa Antipolo City kaya’t ito ang ating antabayanan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply