PNOY MAS TUTUTOK SA KAHIRAPAN

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

DESIDIDO ang administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino na bawasan ang mga naghihirap ng bansa.

Lahat kasi ng kanyang programa ay nakatuon sa pagresolba ng mga pangangailangan ng mga maralita, maging ito man ay nasa kanayunan o kalunsuran.

Malinaw sa mga pahayag ni PNoy lalo’t higit sa kanyang mga miyembro ng gabinete na ang kanilang mga proyekto ay nararapat na tutugon sa pagpapaangat ng kalagayan ng mga maralita.

Bukod sa Department of Social Welfare and Development, na talagang nakatutok sa mga pangangailangan ng ating mga mahihirap na kababayan ay malinaw din ang kanyang instruction sa Department of Labor, Department of Public Works and Highways, Department of Education, Housing and Land Used Regulatory Board, Department of Trade and Industry, Department of Health at Department of Interior and Local Government na magsagawa ng proyekto na kakalinga sa mga kapus-palad nating kababayan.

Poverty aleviation ang pangunahing atas ni Pangulong Aquino sa lahat ng sangay ng gobyerno at diyan nakatuon ang pangunahing agenda ng Malakanyang.

Naniniwala kasi si PNoy na kailangang magkakatuwang at magkakaugnay ang lahat ng sangay ng gobyerno sa pakikibaka sa kahirapan kaya’t malinaw at sistematiko ang daan na gusto niyang baybayin patungo sa ikatatagumpay nito.

Matino na ang sistema ng pamahalaan, nabawasan na ang kurakot sa gobyerno at ngayon napapanahon na ang pagtutok ng Pangulo sa kahirapan.

Malinaw ang agenda ng  liderato at iyan ay iangat ang mga maralita sa tamang pedestal na puwede silang lumaban sa buhay.

Hindi madali ang tatahaking landas nina PNoy at kanyang mga kasama sa gobyerno.

Pero kapag nakisama at tumulong ang mamamayan ay tiyak na walang imposible dahil magsasama-sama ang bayan laban sa pakikipaglaban sa kahirapan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply