PNoy ‘no comment’ sa pagkakasangkot ng PNP sa Quezon shootout

pnoy5

NO COMMENT!

Ito ang tugon ng Malakanyang sa ulat na may matataas na opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang sangkot sa shootout incident sa Barangay Lumutan, Atimonan, Quezon noong Linggo.

Sa ngayon aniya ay hinihintay ni Pangulong Benigno Aquino ang full report ng PNP sa nasabing insidente.

Nauna rito, inatasan na ni DoJ Secretary Leila de Lima ang NBI na magsagawa ng parallel investigation sa usapin.

“In the meantime, while it is still up there we are going to hold any comment on the incident in Quezon,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Binigyang diin ni Sec. Lacierda na suportado nila ang parallel investigation ng NBI at DoJ dahil ito ang government agencies na may karapatan na mag-imbestiga sa nasabing insidente sa Quezon.

Hindi naman masabi ng opisyal kung dismayado ang Pangulong Aquino sa pagkamatay ng 6 na kapulisan sa naturang insidente.

“We are looking into it muna. So, we are holding comments muna and the President is also waiting for the investigation proper. He’s interested also into looking what went on in the incident.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply