PNOY SUPORTADO ANG PAGTAWID NG FILIPINO

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

KAHIT pa si GMA ang nagpasimula, walang balak si Pangulong Noynoy Aquino na ipahinto ang Pantawid Pamilya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nangangahulugan lamang na walang pamumulitikang nagaganap sa kasalukuyang administrasyon.

Sa katunayan, talagang pantawid lamang ang maibibigay ng programang ito dahil hindi naman yayaman ang mga benepisyaryo nito sa cash grant na ipinagkakaloob sa mga ito.

Subalit, malaking tulong na rin ito sa mga kababayan nating bagama’t nagsusumikap sa pagkayod araw-araw ay hirap pa rin na maitawid ang pag-aaral ng mga anak kahit pa sa elementarya at sekondarya lamang sa kabila ng mga pampublikong mababa at mataas na paaralan sa bansa.

Bagama’t nagsimula pa noong administrasyon ni GMA ang Pantawid Pamilya na noo’y tinatawag pang 4Ps sa ilalim ng pamunuan ng DeparTment of Social Welfare and Development (DSWD), isang magandang bagay na suportado pa rin ito ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ang mga benepisyaryo ng pantawid pamilya ay hinugot mula sa natukoy na mahirap ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTSPR) na silang nagsagawa ng house-to-house assessment sa mga sambahayan sa buong bansa.

Siyempre, para masiguro na walang halong pulitika, nasa ilalim rin ng DSWD ang NHTSPR at walang sinomang politiko ang maaaring makaimpluwensiya sa talaang ito maging sa mga magiging benepisyaryo ng Pantawid.

Marami ang may hindi magandang impresyon sa Pantawid, ngunit kung mismong Pangulo ang sumusuporta rito, hindi ba’t nangangahulugan lamang na kailangan talaga ito sa ating bansa?

Ang akala kasi ng iilan, hanggang tulong pinansyal lamang ang hatid ng Pantawid Pamilya… bukod dito, para sa ating kaalaman, tinuturuan din po ang mga kababayan natin na tumayo sa sarili nitong paa sa pamamagitan ng sustainable livelihood program ng DSWD na kung saan sa loob ng limang taon ay may pagkakataon na ang mga Pantawid beneficiaries na makapagsimula ng sarili nitong pagkukuhaan ng ikabubuhay.

Ang mga benepisyaryo ng Pantawid ay sukat para sa limang taon na pagsailalim sa naturang programa lamang at ang magiging resulta ng 1st batch Pantawid graduates ay malalaman natin sa susunod na mga kabanata ng Pantawid.

Ang ginawang pagsuportang ito ng Pangulo ay nangangahulugan lamang na hindi mahalaga sa kanya kung ang legacy ng Pantawid ay na kay GMA… ito’y nagpapakita lang na walang pamumulitika sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Aquino…kumbaga, trabaho lamang, walang personalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply