PNP-12, Comelec nagpulong

NAGPULONG ang Police Regional Office-12 kasama ang Commission on Elections (Comelec) at 102nd Brigade Philippine Army para sa paghahanda sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Ayon kay Atty. Remlane Tambuang, regional director ng Comelec 12, sa pagpupulong nalaman ng bawat ahensya ang papel na kanilang gagampanan sa darating na eleksyon at ngayong nagsimula na ang election period.

Dumalo rin sa nasabing pagpupulong ang Brigade Commander ng 102nd na si Army Colonel Carlos Norman Flores kasama ang 40 mga opisyal ng PNP, militar at Comelec na magtutulung-tulong upang masiguro na magiging mapayapa, maayos at makatotohanan ang lalabas na resulta ng halalan.

Kasama sa mga tinalakay sa pulong ay ang pagsasampa ng kaso laban sa sinumang mahuli na lumabag sa election gun ban, preliminary examination sa mga chief of police sa mga lumabag sa security detail at threat assessment na siyang pangunahing kakailanganin para sa Joint Security Coordinating Center.

Samantala, tinatayang umaabot na sa 14 katao ang nasampolan sa unang dalawang araw ng pagpapatupad ng election gun ban.

Ayon kay Philippine National Police Spokesman Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr., mayroon ng isang naiulat na patay kaugnay ng gun ban.

Nabatid na sa 14 nahuli, apat dito ay mula sa Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply