PNP binusalan sa Atimonan shootout case

ricky-carandang

BINUSULAN ng Malakanyang ang Philippine National Police (PNP) hinggil  sa imbestigasyon sa Atimonan, Quezon shootout case.

Ayon kay Communications Sec. Ricky Carandang, ang National Bureau of Investigation (NBI) na lang ang naatasang mag-imbestiga sa insidente kaya inaasahan nilang ang NBI lang ang magbibigay ng  impormasyon.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Benigno Aquino III ang NBI na magsilbing “sole investigating body” sa kaso pero naglalabas pa rin ng sariling teorya ang PNP.

Aniya, hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon at iwasan ang anumang haka-haka o ispekulasyon na magpapagulo lamang.

Samantala, sinibak naman na ang mga pulis na sangkot sa barilan at siniguro ng Punong Ehekutibo na mabibigyan ng hustisya ang mga napatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply