PNP checkpoint oks sa liderato ng Kamara

checkpoint-2

PASADO kay House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. ang mga itinayong checkpoints ng Philippine National Police (PNP) partikular iyong mga nasa Quezon City na kanyang dinaanan.

Ngunit ang ilang mga kongresista ay may hamon sa PNP na siguruhing maipatutupad ang tamang proseso o standard procedures sa mga itinayong checkpoints kahit wala ang mga opisyal.

“I passed thru three checkpoints last Sunday in Bataan. It looked okay naman to me. Baka iba naman facts doon sa Atimonan,” ayon kay Belmonte sa gitna ng paunang resulta ng imbestigasyon na may nalabag na tuntunin sa checkpoint protocols sa Atimonan, Quezon bago pa man nagkaroon ng diumano’y barilan na ikinamatay ng 13 katao.

Naunang nagpaalala si Aurora Rep. Sonny Angara sa kapulisan na tiyaking maipatutupad ang mga tuntunin sa pagtatayo ng checkpoint kabilang ang mga unipormadong mga pulis, paggamit ng marked police cars at signages dahil hindi aniya naging maganda sa mata ng publiko ang naganap sa Atimonan.

Banggit pa ni Angara na ang checkpoints ay dapat na karagdagang seguridad at proteksyon upang ang mga kriminal ay hindi makatakas at hindi magiging banta sa mga motorista.

Maging sina House Deputy Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay at San Juan City Rep. Joseph Victor “JV” Ejercito Estrada ay umapela sa PNP na maging responsable sa pagtatao sa mga checkpoints dahil nakasama sa imahe nito ang naganap na insidente sa Atimonan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply