PNP, sinisi sa inutil na pagpapatupad sa gun laws

gun1

SINISISI ni Senator Joker Arroyo ang Philippine National Police (PNP) sa inutil na pagpapatupad sa batas laban sa ilegal na armas sa naganap na pamamaril sa Kawit, Cavite na ikinamatay ng walo katao at pagkasugat ng siyam iba pa.

“You know every time there is a problem, the culprit is lack of legislation. Very often, every time there is problem, they said we need new law. But we forgot the problem lies on enforcement. We have so many laws, but they are not enforce,” ayon kay Arroyo sa panayam ng DzBB nitong Linggo.

Ayon kay Arroyo, walang mababago kung maghahain ng panibagong batas laban sa pagdadala ng baril dahil marami nang batas sa pagkontrol ng armas kahit hindi espisipikong nakalagay dito.

“But the police have the powers to enforce gun control without necessarily introducing a new law,” aniya.

“Nagrereklamo tayo dito pero sa US dalawa yun shooting rampage. Hindi naman tayo nag-iisa dito. It’s not to say na maganda yung nangyari but yun nangyari rito ay parang psychological cases, I think. So  walang connection yun gun control. So you will have gun control, e ang daming baril dito,” dagdag ng senador.

Sinabi pa ni Arroyo na wala rin magagawa kung ibabalik ang parusang kamatayan sa heinous crime, na panukala ng ilang sector, dahil hindi naman nito nahahadlangan ang paggawa ng krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply