Positibong taon sa Pinoy

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

TIYAK na lalo pang aangat ang ekonomiya ng bansa ngayong 2013.

Nailatag na kasi ng kasalukuyang liderato ang halos lahat ng mga bagay na dapat gawin upang ganap na umangat ang bansa.

Doble kayod kasi ang ginawa ni Pangulong Noynoy Aquino sa pag-iimplementa ng mga pagbabago sa sistema ng pamamalakad sa gobyerno kaya’t nasa tuwid na landas na ang estado tungo sa pag-boom ng ekonomiya.

Kung noong 2012 ay umangat ang Pilipinas ng mahigit 7.1 percent sa gross domestic product ay tiyak na lalo pa itong lalago sa tuwid na daan ni PNoy.

Nagbalik na kasi ang tiwala ng negosyanteng lokal at dayuhan sa gobyerno at iyan ay dahil nabawasan na ang korapsyon sa pamahalaan.

Maging ang piso ay lumakas kaya’t kitang-kita ang pagsigla ng ekonomiya ng bansa.

Lumabas din sa pag-aaral ng mga ekonomista sa mundo na pang-anim ang Pilipinas sa lahat ng bansa sa daigdig na nagtatala ng pinakamalakas na pagsulong ng ekonomiya.

‘Yan ang liderato ni PNoy dahil kung tuwid ang namamahala ay tiyak na magbubunga rin ito ng magandang resulta sa lalo pang pagyabong ng bansa.

###

Dapat na rin sigurong sibakin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mga nagpabaya nilang tauhan at opisyal nitong nakalipas na paghihiwalay ng taon.

Kung naging mapagmatyag at naging masigasig lamang ang mga tauhan ng PNP sa pagmo-monitor sa area ay tiyak na walang batang napatay ng ligaw na bala.

Wala rin sanang nabiktima o naputukan ng paputok kung nagtatrabaho lang ng husto ang PNP.

Panahon na para may gumulong na ulo sa PNP at iyan ang ating aabangan ngayong kapapasok pa lamang ng taong 2013.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply