POWER, FAME AND FORTUNE

pakurot

BINIGYANG daan po ng PAKUROT ang text message ng isang avid reader ng ating pahayagang REMATE na may ilang beses na rin namang nagtiwala sa mga kolumnista nito na maiparating sa kinau-ukulan ang kanilang mga hinaing ukol sa pagbibigay-pansin ng pamahalaan sa kanilang problema sa kapaligiran.

“Natatawa na lang ako kapag nababasa ko na umaangat at umuunlad ang ekonomiya ng Pilipinas, ayon sa mga opisyal ng ating pamahalaan. Paano nila nasasabi ang gayon samantalang kaming mahihirap na mamamayan ang talagang nakararamdam ng kahikahusan,” ayon sa text message.

“Not in a snap of their fingers ay uunlad ang ating bansa dahil wala naman silang inatupag kung hindi ang kanilang mga pansariling kapakanan. Sa madaling salita, lalo na ang mga politiko ay nais na makapaglingkod (kuno) sa bayan dahil sa kanilang “self-vested interest.”

Tama ang sinasabi ng ating texter na may hidden agenda ang mga politiko at nagsisilbi sa gobyerno. Bakit? Sa palagay ba natin, tatakbo sa halalan ang mga iyan at gagastos ng milyon-milyon kung hindi naghihintay ng mas malaking kapalit? Ang mga nais na ma-appoint ay gumagastos din at tumataya sa politiko para lang makapuwesto. Kaya naman hindi natitigil ang katiwalian sa pamahalaan.

“Wala po talagang pagbabago ang pulitika rito sa atin. PFF (power, fame and fortune) ang nangunguna sa talaan. Ang mga taong may impluwensiya, kasikatan at pera ang mas malaki ang pagkakataon na makakuha ng puwesto na madaling kitain ang pera,” pahayag ng nagpadala ng mensahe na residente ng Quezon City.

“Dito po sa amin sa Pasong Tamo sa Quezon City ay puro dakdak lang at porma ang ginagawa ng mga opisyal ng barangay at maging ang mga konsehal ng lungsod ay kilala lang ang mga mamamayan kapag malapit na ang halalan.”

Inirereklamo ng nagpadala ng mensahe ang napakarumi at puno ng malalaking tipak ng bato at basura na creek sa kanilang barangay na malapit sa Seaoil sa Tandang Sora. Natatakot siya na baka maulit ang pangyayari noong Ondoy na umapaw ang creek at marami ang naapektuhan.

Ilang beses na rin naman niyang tinawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mismong ang barangay nila subalit nagtuturuan lang po ang mga ito.

Kaya nga para masagot ang reklamo ng residenteng ito ng Quezon City ay mismong si QC Mayor Herbert Bautista na ang tatawagan natin ng pan-sin upang maipalinis ang nasabing creek.

Mayor Herbert Bautista, baka naman po puwedeng aksyunan ang kahilingang ito at tiyak namang dadalhin ng mga residente ng lugar na nabanggit ang mga konsehal na nasa ilalim ng partido mo.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply