Power supply ng LRT-2, nasunog; operasyon ng tren naantala

lrt2

INAASAHANG maibabalik na rin ngayong umaga ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 (Santolan-Recto) makaraang masunog ang power supply o transformer ng depot nito sa Santolan.

Bandang alas-7:00 ng umaga lamang ngayong umaga nang makahanap ng ibang power source ang mga tren.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT Authority, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang masunog ang power supply at inaalam pa ang sanhi nito.

Dahil sa kawalan ng power supply, hindi naiakyat ang mga tren sa riles ng LRT-2.

Bunga nito naantala ang biyahe ng mga pasahero dahil hindi pa pinapayagang makasakay ang mga pasahero sa mga istasyon.

Inaasahan ngayong alas-8:00 ng umaga mag-uumpisa ang biyahe sa LRT-2 dahil sinisikap na ng pamunuan ng LRT-2 na maibalik sa normal ang operasyon ng tren.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply